Skip to main content

Posts

Showing posts from August, 2017

Ano ang Schizophrenia?

Ano ang Schizophrenia? Ang Schizophrenia ay karamdamang pang-kaisipan ( mental disorder ) kung saan ang tao ay nakakaranas ng hallucinations (nakakarinig ng mga boses na wala naman talaga) at delusions (mga paniwala na hindi akma sa mga totoong nangyari o mga pangyayari). Ang hallucinations o delusions ay nararanasan halos araw-araw sa loob ng anim na buwan. Ilan sa karaniwang tema o paksa ( theme ) ng delusions ay ang paranoia (“ naprapraning ”). Halimbawa pakiramdam nila may gagawa ng masama sa kanila, lalason, may humahabol o may nagmamanman/nagtitiktik ( spying ) sa kanila. Minsan sasabihin nila na ayaw nila tumingin sa mga mata ng tao dahil mababasa ang iniisip nila o kaya nangyayari lahat ng kanila iniisip (tamang-hinala). Kaakibat ng hallucinations at delusions , meron pang ibang sintomas ang schizophrenia katulad ng disorganized thinking – (magulo mag-isip), naoobserbahan ito sa pamamagitan ng kanilang pananalita, maaring paligoy ligoy silang sumagot o minsan ...